D:\My Documents\Ing’s Picturess\pands summer sem 2012
Kinukumutan Ka ng Aking Titig
Ruth Elynia MabangloKinukumutan ka ng aking titig -
Isang siyudad ng pag-ibig:
Dilim na binabagtas ng mga hipo,
Liwanag na kaakibat ng mga pangako.
Nililiyo ako ng mga haplos,
Binubura ng mga alaala.
Ay, tila ugat akong nabubunot,
Umaangat,
Lumilipad,
Mga mata’y nag-uulap.Nilalakbay ko ang katawan mo,
Buwan akong umiikot
Sa iyong sinukob,
Nilulukob kita hanggang panaginip,
Nilalagok ang iyong tinig,
Natitigmak ako hanggang buto,
Humahagod sa ligamgam ng iyong hininga,
Humihimlay sa iyong mga halik
Hanggang alaala’y mapaknit
At sa pusod ko’y sumanib.Mahal, ako’y napapapikit.
- Sayaw Ng Dalawang Kaliwang Paa (via lettersandkisses)
(via lettersandkisses)
tchmo, Untitled (Abstract) 20120502m